top of page
Durungawan 2025_ Mga sining sa likod ng Pangarap (1) (2).png

Higpitan ang inyong mga kapit dahil ang biyahe ng mga artista sa sining at disenyo ay magsisimula na. ⭐️🌙

Maghanda at sumamang maglakbay sa isang pagpapamalas ng makulay na kultura ng Pilipinas, kung saan ang mga “Kabataang Pinoy” ay sasayaw sa saliw ng mga novelty hits at OPM hits ng bagong dekada upang ipakita ang ibat ibang mga sining sa likod ng pangarap.

Tara na’t habiin ang mga sining ng kahapon kasama ang mga young artists ng Grade 12 Arts & Design Track at Sinico Productions. Mainam na higpitan ang sinturong pangkaligtasan dahil ang karanasang tila panaginip ay malapit nang magsimula sa ating tanghalan.

2_20241024_131808_0000.png

✨️🎻Huwag palampasin ang Konsiyerto ng Talento sa Teatro Marikina! Isang gabi ng masining na pagtatanghal sa ilalim ng Durungawan: mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025. 🎹✨️

Mula sa mga lokal at banyagang piraso, magtatampok ng mga pambihirang instrumental at vocal performances—may violin, flute, piano, band instruments, soloists, at choral pieces. Isang gabi ng sining at talento na tiyak mag-iiwan ng alaala! 🎼🪈

3_20241024_131808_0001.png

✨️💃Agos: Isang Pagtatanghal ng Pag-ibig, Pagkatalo, at Pag-asa 🕺🪩✨️

Sumama sa amin sa isang natatanging paglalakbay sa puso ng Marikina. Sa Agos, masaksihan ang isang kwento ng pag-ibig at sakripisyo na sumasalamin sa agos ng buhay. Isang pagtatanghal ng sining, sayaw, at musika na magpapakita ng lakas ng kalikasan at ng tao. Huwag palampasin—dahil ang bawat agos ay may kwento. 

Durungawan: mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025 🌟🌙

📍Teatro Marikina, February 2025

Sponsor an artist now!

by clicking the link below

🔗 Sponsor an Artist Form

10.png

Equipment and Materials needed for the Production Phase of Durungawan  2025

1728283150248_edited.png
bottom of page