REN REN
Kilalanin si Ren ren! 🎨🖌️
Si Renren, labing-pitong taong gulang mula sa Marikina City, ay may husay sa larangan ng sining biswal. Nagsimula ang kanyang hilig dito noong tinuruan siya ng kanyang ina na gumuhit. Mahilig siyang gumuhit at lumahok sa mga patimpalak sa pagguhit sa paaralan noong siya ay elementarya pa lamang, at nagkamit siya ng mga parangal at pagkilala. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin siyang nag-aaral at nagpakadalubhasa sa larangan ng sining biswal upang mas umunlad ang kanyang kakayahan at talento sa pagguhit. Bagaman limitado pa ang kanyang karanasan, ang dedikasyon at pagnanais niyang matuto ay nag-udyok sa kanya upang pag-aralan at tuklasin ang iba't ibang estilo sa pagguhit. Layunin ni Renren na ipakita ang kanyang talento at maging inspirasyon sa mga kabataan na tuparin ang kanilang mga pangarap sa sining.
Si Renren ay kasalukuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na nagpapamalas ng galing sa sining biswal at nakatalaga bilang MASTER CARPENTER para sa nalalapit na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang panghuling pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.
Sisikapin ni Renren na paunlarin ang kanyang pag-aaral sa iba't ibang uri ng sining at tuklasin ang iba pang anyo nito. Nagsusumikap siya upang mapaunlad ang kanyang kakayahan at makamit ang mga pangarap na kanyang inaasam sa buhay.