SARMIE
Kilalanin si Sarmie!🖌️🎨🧡
Si Sarmie, isang labing-pitong taong gulang na alagad ng sining mula sa Pasig City, ay mahilig lumikha ng malikhaing sining gamit ang makukulay na materyales. Patuloy niyang pinayayabong ang kaniyang pagmamahal sa sining. Bilang isang visual artist, higit pa niyang pinalawak ang pagkahilig sa sining nang matuklasan, matutunan, at yakapin ang iba't ibang anyo nito, tulad ng pagsulat ng tula, paggawa ng maikling pelikula, mixed media, paghuhulma, musika, pag-arte, at malikhaing pananaw, mula nang siya'y pumasok sa Senior High School🎨🎶. Bukod sa kaniyang talento, siya ay isang consistent honor student na matagumpay na nababalanse ang pagpapamalas ng kaniyang husay sa sining at pag-aaral🏅.
Kasalukuyan siyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na nagpapamalas ng galing sa visual arts, at itinalagang LIGHTS DESIGNER para sa nalalapit na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang panghuling pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.
Masigasig si Sarmie sa patuloy na pagpapayaman ng kaniyang kakayahan sa iba't ibang anyo ng sining. Ang kaniyang dedikasyon at kahusayan sa pagbabalanse ng sining at pag-aaral ay patunay ng tunay niyang pagmamahal sa sining at edukasyon.