PYOLO
Kilalanin si Pyolo! 🎸⚡
Si Pyolo, labimpitong taong gulang mula sa San Roque, Marikina City, ay isang mag-aaral ng sining biswal sa Sining at Disenyo sa Sta. Elena High School. Mahusay siya sa pagguhit ng realismo, komiks, at pagpinta, at mayroon ding talento sa musika, kabilang na ang pagtugtog ng gitara at bass. Mula pagkabata, pinanday na niya ang kanyang talento, na nagdala sa kanya sa mga kompetisyon tulad ng World Day of Migrants and Refugees Poster Making, Division Schools Press Conference, at Marikina Bulletin Sketchfest. Sa kabila ng mga tagumpay, patuloy niyang pinapanday ang kanyang mga kasanayan at nag-aambisyon na makamit ang mas mataas pang parangal sa larangan ng sining.
Sa kasalukuyan, si Pyolo ay isang Grade 12 Arts & Design Track student na nakatalaga bilang PERFORMER sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟🌙,” ang pangwakas na pagtatanghal ng kanilang track. Sa pamamagitan ng kanyang dedikasyon at pagsusumikap, ipinapakita ni Pio ang kanyang kahusayan hindi lamang sa visual arts kundi pati na rin sa musika, at patuloy na nagiging inspirasyon sa mga kabataan na may pangarap sa sining. Ang kanyang mga gawa ay isang pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa parehong tradisyunal at modernong sining, at nagsisilbing gabay sa kanyang mga susunod na hakbang patungo sa tagumpay.