WAX
Kilalanin si Wax! 🎹🎶
Si Wax, labing-anim na taong gulang mula sa Marikina City, isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may kahusayan sa sining biswal. Dalubhasa si Wax sa pagpipinta, sketching, ink art, at sculpture. Mahilig din siyang magsulat ng mga kuwento at isinasalin ito sa pelikula. Bukod sa pagiging isang mahusay na artist, siya rin ay isang choir pianist, filmmaker sa YouTube, at isang aktibong kalahok sa mga paligsahang pangsining. Siya ay naging champion sa DSPC 2023 at kamakailan ay nanalo ng grand champion sa junior category sa Sketchfest Manila 2024. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa sining, si Wax ay patuloy na nagsusulong ng mga proyekto tulad ng Andres, isang serbisyo na naglalayong buhayin ang tradisyonal at folk santo art sa bansa.
Sa kasalukuyan, si Wax ay isang Grade 12 Arts & Design Track student na nakatalaga bilang PERFORMER at bahagi ng SET DESIGN sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟🌙,” ang pangwakas na pagtatanghal ng kanilang track. Patuloy niyang pinapanday ang kanyang pangalan sa industriya ng sining sa bansa, at ipinapakita ang kanyang talento sa visual arts, musika, at pelikula. Ang mga gawa ni Wax ay isang representasyon ng kanyang pananaw sa kultura ng ating bansa, at nagsisilbing pundasyon ng mga kuwentong nais niyang iparating sa pamamagitan ng sining. Sa kanyang dedikasyon at pagsusumikap, layunin ni Wax na magbigay-inspirasyon at magsilbing modelo para sa mga kabataang artist na may malasakit sa ating sariling kultura.