MIMIR
Kilalanin si Mimir! 🎸⚡️
Si Mimir, labimpitong taong gulang mula sa Marikina City, isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may angking galing sa pagtugtog at paglikha ng musika. Nagsimula siyang mamulat sa larangan ng musika noong siya ay nasa elementarya pa lamang, at kanyang sinubukang pag-aralan ng mabuti ang pagtugtog ng gitara noong pandemya 🎶. Sa kasalukuyan, pinaghuhusayan ni Mimir ang pagtugtog ng gitara at ang paglikha ng musika ngayong Senior High School. Lumalawak din ang kanyang interes sa iba’t ibang larangan ng sining, tulad ng media arts at sining biswal. Bukod sa kanyang galing sa musika, siya rin ay isang honor student noong ika-sampung baitang at ika-labing isang baitang, na nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa parehong sining at akademiko.
Si Mimir ay kasalukuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student at nakatalaga bilang PERFORMER sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟🌙,” ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng kanilang track. Sa patuloy na pagsusumikap ni Mimir na mapaghusayan ang kanyang mga talento, natututo siya ng iba’t ibang aspeto ng sining at disenyo. Para kay Mimir, ang musika ang magsisilbing sandalan sa kanyang pagharap sa mga pagsubok ng pagiging isang mag-aaral ng sining at disenyo, at nagsisilbing inspirasyon upang magtagumpay sa kanyang mga pangarap.