LENNAH
Kilalanin si Lennah!🎤🎶
Si Lennah, labimpitong taong gulang na naninirahan sa San Mateo, Rizal. Isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may kahusayan sa Performing Arts, partikular sa pagkanta. Nagsimula siyang umawit noong bata pa siya at lubusang naglaan ng oras sa sining ng pagkanta noong ika-pitong baitang 🎙️. Siya ay dating kabilang sa Special Program in the Arts at naging bahagi rin ng Himig Kawayan. Upang higit pang mapabuti ang kanyang boses, sumali siya sa The Voice Academy of the Philippines. Noong ika-anim na baitang, nanalo siya ng 3rd place sa isang singing competition, at mula noon, naging aktibo na siya sa mga kaganapan sa sining. Para kay Lennah, ang pagkanta sa entablado ay isang kasiyahan at pagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa sining.
Sa kasalukuyan, si Lennah ay isang Grade 12 Arts & Design Track student na nakatalaga bilang PERFORMER sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟 🌙,” ang pangwakas na pagtatanghal ng kanilang track. Bilang isang mag-aaral at artist, siya ay isang matiyagang honor student mula elementarya hanggang senior high school, patuloy na nagpapakita ng dedikasyon sa sining at akademiko. Ang kanyang tagumpay at pagmamahal sa sining ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang may pangarap na sumikat sa performing arts at maging tagapagtaguyod ng kanilang talento.