LAE
Kilalanin si Lae! ⭐✏️
Si Lae ay labimpitong taong gulang, isang estudyante ng Sining at Disenyo mula sa Malanday, Marikina City. May kahusayan sa larangan ng sining biswal, partikular sa tradisyonal at digital na pagguhit. Nagsimula siyang magpamalas ng kanyang talento sa pagguhit noong siya ay nasa pre-school pa lamang, at patuloy na pinauunlad ang kanyang mga kasanayan sa pamamagitan ng pag-a-aral ng mga aspeto ng parehong tradisyonal at digital na sining. Bagamat hindi siya aktibong lumalahok sa mga kaganapan o kompetisyon, para kay Lae, hindi ito mahalaga. Ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kasiyahan na dulot ng pagguhit, pati na rin ang pagtuklas at paglalakbay sa iba't ibang aspeto ng sining biswal✍️.
Sa kasalukuyan, si Lae ay isang Grade 12 Arts & Design Track student at itinalaga bilang Stage Manager para sa darating na "Durungawan: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟🌙," isang pangwakas na pagtatanghal para sa mga mag-aaral ng Arts & Design Track. Gamit ang kanyang pagkamalikhain at dedikasyon sa sining, lalo pa niyang pinapalakas ang kanyang inspirasyon at kasanayan sa sining biswal. Sa kabila ng hindi pagiging aktibo sa mga kompetisyon, ang kanyang patuloy na pagpapabuti bilang isang artistang biswal ay nagsisilbing bukas na pinto para sa mas maraming oportunidad at tagumpay sa hinaharap.