BINKY
Kilalanin si Binky!📷🕺
Si Binky, labinwalong taong gulang mula sa Marikina City, na isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may kahusayan sa sining biswal at media arts🎨🎥. Nagsimula siyang mamulat sa mundo ng sining noong siya ay limang taong gulang pa lamang at tuluyang naipamalas ang talento sa pagiging aktibo sa iba't ibang kaganapan sa paaralan at nagkamit ng iba't ibang parangal. Nagsimula rin ang kanyang kahusayan sa digital art pagtungtong niya sa ika-limang baitang at mas pinagpabuti pa ito hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon, lalo pang lumalawak ang kaniyang interes sa sining at patuloy na nililinang ang iba't ibang aspeto tulad ng musika at pagsayaw🎶🕺. Sa kaniyang patuloy na paglikha sa larangan ng sining, kaniyang napagtanto na "ang pagiging mulat at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa sining ang siya mismong makakapagpabago sa ating sarili”.
Si Binky ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng media arts at nakatalaga bilang PUBLICITY DIRECTOR at PERFORMER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.
Sa patuloy na pagkatuto at paglinang sa mga kakayahan ni Binky, mas lumalawak ang kaniyang kaalaman sa iba't-ibang anyo ng sining. Sa bawat pagharap sa mga pagsubok bilang isang mag-aaral ng sining at disenyo, ang bawat hakbang na kaniyang tinatahak ay mahalaga sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap upang maipamalas
ang kaniyang angking kakayahan sa mundo ng sining.