top of page

JED

JED.png

Kilalanin si Jed!!📷🎬

 

Si Jed, labing-pitong taong gulang na naninirahan sa San Roque, Marikina City, ay isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na nakatutok sa Media Arts. Nagsimula ang kanyang hilig sa pagkuha ng litrato at paggawa ng digital art 🖊️noong siya ay nasa ikalimang baitang, dahil sa kanyang hilig sa mga cartoon. Mas pinagbuti niya ito noong siya ay nasa ika-sampung baitang, kung saan lumawak ang kanyang kaalaman sa larangan ng sining. Bagaman hindi siya aktibo sa pakikilahok sa mga patimpalak tungkol sa sining, masigasig naman siyang sumusuporta sa iba't ibang artist sa loob at labas ng bansa, pati na rin sa kanilang mga likhang sining. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan ng iba't ibang bagay na nakakakuha ng kanyang atensyon at mula sa mga ideyang nasa kanyang isip, tunay na nae-enjoy niya ang kanyang propesyon sa sining. Siya ay isang masipag na mag-aaral na handang matuto tungkol sa iba't ibang bagay at handang umunlad.


Si Jed ay masigasig na nag-aaral at may matinding pagnanais na paunlarin ang kanyang kakayahan sa Media Arts. Siya ay kasalukuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa sining biswal at media arts, at nakatalaga bilang ASSISTANT PHOTOGRAPHER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟🌙 ," ang pangwakas na gawain ng Grade 12 Arts & Design track. Sa kanyang dedikasyon at suporta sa mga artist, tiyak na makakamit niya ang kanyang mga pangarap at magiging inspirasyon sa iba.

MORE OF JED

Untitled65_20231002020441.png
Untitled119_20241108075850.png
Untitled66_20231002223508.png

Sponsor an artist!

Untitled72_20241210210608.png
10.png

equipment and materials needed for the production phase of durungawan 2025

bottom of page