ELJAY
Kilalanin si Eljay! 👾🐉
Si Eljay, labing-walong taong gulang mula sa lungsod ng Marikina, isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may kahusayan sa sining biswal. Nagsimula ang hilig niya sa pagguhit noong siya ay bata pa lamang. Mahilig siyang gumuhit ng mga bagay na nakikita niya sa kanyang paligid, pati na rin ang mga comic book characters na kanyang natutunan at ipinagpatuloy mula noong elementarya. Bagamat wala pang nasasalihang patimpalak, ang kanyang layunin ay magtagumpay sa larangan ng sining at makamit ang mga parangal sa hinaharap. Sa kasalukuyan, patuloy niyang pinapanday ang kanyang mga talento, sinusubukan ang iba’t ibang estilo at teknik sa pagguhit upang mapabuti ang kanyang kasanayan.
Ngayon, si Eljay ay bahagi ng PROPS TEAM para sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟🌙,” ang pangwakas na pagtatanghal ng kanilang Arts & Design Track. Bukod sa pagiging isang talented visual artist, pinapakita rin ni Eljay ang kanyang dedikasyon sa mga aspeto ng props design at craftsmanship. Patuloy niyang pinapahusay ang kanyang mga kasanayan, na nagpapakita ng kanyang kagustuhang maging multi-disciplinary artist. Sa kabila ng mga hamon ng pagiging isang honor student, hindi niya nakakalimutan ang pagpapalago ng kanyang sining at ang pagbibigay inspirasyon sa iba.