KALI
Kilalanin si Kali!💃 💕
Si Kali, labing-walong taong gulang mula sa Marikina City, isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may angking talento sa sining biswal, musika, at pagsayaw. Nagsimula siyang magpamalas ng kanyang mga kakayahan sa pagguhit, pagkanta, at pagsayaw nang matutunan niyang angkinin ang talento ng kanyang ina🎤. Noong siya’y labintatlong taong gulang, natuklasan ni Kali ang kanyang pagmamahal sa sining at patuloy na pinaghuhusayan ang kanyang mga kasanayan. Sa ngayon, ang kanyang pangarap ay maging kilala bilang isang mang-aawit, mananayaw, at visual artist, sa larangan ng tradisyonal at digital na sining. Ang kanyang mga gawa at pagtatanghal ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na matutong yakapin ang kanilang talento at magtagumpay sa anumang aspeto ng sining.
Sa kasalukuyan, si Kali ay isang Grade 12 Arts & Design Track student na nakatalaga bilang PERFORMER sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟 🌙,” ang pangwakas na pagtatanghal ng kanilang track. Sa kanyang dedikasyon at pagnanais na maging isang all-around artist, pinapanday ni Kl ang kanyang mga kasanayan at patuloy na nag-aambag sa iba’t ibang aspeto ng sining, mula sa visual arts hanggang sa performing arts. Ang kanyang mga pagsusumikap ay isang patunay ng kahalagahan ng pagkakaroon ng maraming talento at ang pagpapahalaga sa sining bilang isang paraan ng pagpapahayag.