YANG
Kilalanin si Yang! ✏️🎬
Si Yang, labinsiyam na taong gulang mula sa Quezon City, Isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may kahusayan sa sining biswal at media arts. Nagsimula siyang magpakita ng interes sa pagguhit ng mga tanawin at paggamit ng sining bilang instrumento sa pagbabahagi ng mensahe. Nang siya ay tumuntong sa ika-labing-isang baitang, nahulog ang kanyang puso sa pagkuha at pag-edit ng mga bidyo at nagpasya siyang magpokus sa media arts 📷. Si Yang ay isang consistent honor student at nakatanggap ng iba’t ibang parangal mula elementarya hanggang senior high school. Bilang isang alagad ng sining, siya rin ay may interes sa musika at nais matutunan ang pagtugtog ng piano at iba pang instrumento sa hinaharap 🎹.
Si Yang ay kasalukuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student at Artistic Director ng Durungawan, ang pangwakas na pagtatanghal ng kanilang track. Sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025 🌟 🌙,” ipapamalas ni Yang ang kanyang mga talento at liderato sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga elemento ng sining upang maghatid ng isang makulay at makapangyarihang pagtatanghal. Ipinapakita ni Yang ang kahalagahan ng sining sa pagpapahayag ng sarili at pagkonekta sa iba, at nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na magpatuloy sa pagsunod sa kanilang pangarap at gamitin ang sining bilang isang boses sa lipunan.