JAYC
Kilalanin si Jayc!🎨🖌️
Si Jayc, labing-walong taong gulang mula sa Marikina City, isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may kahusayan sa sining biswal. Mula pagkabata, nagsimula siyang magpakita ng hilig sa sining, lalo na sa pagguhit ng mga bagay na nakikita niya sa kanyang paligid, kabilang na ang mga cartoon characters. Noong junior high school, nahilig siyang gumuhit ng mga anime at fictional characters. Bagamat wala pa siyang nasalihang mga patimpalak, hangad niyang magtagumpay at makamit ang mga parangal sa larangan ng sining sa hinaharap. Sa kasalukuyan, patuloy niyang pinapanday ang kanyang talento, at sinusubukan ang iba’t ibang estilo at teknik sa pagguhit.
Ngayon, si JC ay bahagi ng TECH TEAM para sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟🌙,” ang pangwakas na pagtatanghal ng kanilang Arts & Design Track. Bukod sa kanyang pagiging isang mahusay na artist, ipinagmalaki niya rin ang kanyang dedikasyon sa mga teknikal na aspeto ng sining. Patuloy niyang pinapahusay ang kanyang mga kasanayan sa digital art at multimedia, na nagpapakita ng kanyang versatility bilang isang artist. Sa kabila ng mga hamon ng pagiging isang honor student, hindi niya nakakalimutan ang pag-pokus sa kanyang sining, na nagsisilbing inspirasyon para sa mga kabataang nagnanais ding magtagumpay sa parehong larangan.