CARL
Kilalanin si Carl!🎸🎶
Si Carl, labimpitong taong gulang mula sa Cainta, Rizal. Isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may kahusayan sa Performing Arts, partikular sa paggamit ng mga instrumento🥁. Nagsimula siyang mamulat sa industriya ng musika noong sekondarya, kung saan nagsimulang magbukas sa kanya ang posibilidad ng pagiging isang mahusay na musikero. Sa kanyang mga unang taon, aktibo na siyang nakikilahok sa mga patimpalak tulad ng singing contest at poster-making contest. Sa kasalukuyan, patuloy niyang pinapanday ang kanyang mga kasanayan sa musika. Bukod pa rito, si Carl ay isang honor student mula elementarya hanggang sa kasalukuyan, ipinapakita ang kanyang dedikasyon sa parehong akademiko at sining. Ayon kay Carl, “Tunay na hindi mahihigitan nino man ang simbuyo ng damdamin ng isang artista, sa oras na ito’y naipamalas ito’y ’di na mapipigilan pa.”
Si Carl ay kasalukuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student at nakatalaga bilang MASTER ELECTRICIAN at PERFORMER sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟 🌙,” ang pangwakas na pagtatanghal ng kanilang track. Sa kanyang walang humpay na pagsusumikap upang mapabuti ang kanyang mga kasanayan, ipinapakita ni Carl ang kahalagahan ng pagtutok sa musika bilang isang paraan ng pagpapahayag ng sarili at pagkonekta sa iba. Ang kanyang journey sa sining ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na magpatuloy sa pagsunod sa kanilang pangarap at gamitin ang sining bilang isang malakas na boses sa lipunan.