CLARA
Kilalanin si Clara! 🧡🏵️
Si Clara, labimpitong taong gulang na mag-aaral ng Sining at Disenyo mula sa San Mateo, Rizal. ay isang self-taught visual artist na may hilig sa animation at paggawa ng mga karakter para sa kanyang sariling mga kwento. Mula pa sa murang edad, natutunan niyang magdisenyo at gumamit ng digital arts upang mas mapalawak ang kanyang kakayahan sa sining ✏️. Noong ika-limang baitang, napansin ng kanyang guro ang kanyang natatanging talento sa sining biswal, na nagbigay daan upang mapagyabong at mahasa pa ang kanyang kasanayan sa mga teknik tulad ng pagpipinta at paggamit ng oil pastel. Bilang isang mag-aaral ng sining biswal, patuloy siyang nagsusumikap upang mapabuti ang kanyang mga likha at mag-explore ng iba’t ibang estilo ng sining.
Sa kasalukuyan, si Clara ay isang Grade 12 student sa Arts & Design Track at kasapi ng PROPS TEAM para sa darating na “DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟🌙,” ang pangwakas na pagtatanghal ng kanilang track. Bukod sa sining biswal, mayroon din siyang angking talento sa pag-awit, kung kaya’t naging miyembro siya ng choir ng kanilang paaralan noong ika-pitong baitang. Patuloy siyang nagsusumikap at nagpapakita ng dedikasyon sa kanyang pag-aaral at sining, na nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga guro at kamag-aral, kundi pati na rin sa iba pang kabataang may pangarap sa larangan ng sining.