MONGJU
Kilalanin si Mongju!✏️🎬🦀
Si Mongju, labimpitong taong gulang mula sa San Isidro, Cainta, Rizal. Siya ay isang mag-aaral ng Sining at Disenyo na may kahusayan sa sining biswal at media arts. Kasalukuyan siyang nakatuon sa pagpapabuti ng kanyang kasanayan sa pagguhit at paggawa ng mga digital works tulad ng animation. Nagsimula siyang maging alagad ng sining noong elementarya pa lamang, at kaniyang natuklasan ang paggawa
ng animation noong nagsimula ang pandemya. Isang bagay na nakapagbigay inspirasyon kay Mongju ay ang ligaya ng ibang tao tuwing ipinapakita niya ang kanyang mga nilikhang obra. Para kay Mongju, ang kasiyahan ng iba mula sa kanyang mga ginuhit at animasyon ang nagsisilbing pinagmumulan ng kanyang inspirasyon at pagnanasa sa sining.
Sa ngayon, si Mongju ay isang Grade 12 Arts & Design Track student at nakatalaga sa Props Team para sa darating na "Durungawan: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025🌟🌙," ang pangwakas na pagtatanghal ng Arts & Design Track. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay at patuloy na pag-unlad sa sining, siya ay isang masigasig na mag-aaral na nagsusumikap at patuloy na pinapanday ang kanyang landas patungo sa isang matagumpay na hinaharap, gamit ang kanyang talento at dedikasyon sa sining.