KELS
Kilalanin si Kels! 🎀
Si Kels, labimpitong taong gulang mula sa Cainta, Rizal, na dalubhasa sa larangan ng pagsayaw 💃, sining biswal 🎨🖌, at gayundin sa media arts 🎥. Nagsimula ang kanyang hilig sa sining noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Mahilig siyang sumayaw at lumahok sa mga dance contests sa kanilang paaralan noong siya ay nasa elementarya at sekondarya. Siya rin ay lumalaban sa pagsayaw sa iba't ibang baranggay, kung saan siya ay nagkamit ng iba't ibang matataas na parangal. At bilang isang parte ng LGBT community, siya ay naging isang makeup artist at kontesera sa larangan ng Miss Gay. Nagkamit si Kels ng 1st runner up, Sagala 2nd runner up, at Queen of Pasig Top 10 👑✨️. Sa kasalukuyan, patuloy niyang pinagpapabuti ang kanyang kakayahan at galing sa iba't ibang larangan ng sining. Bukod sa kaniyang angking talento, siya rin ay isang honor student na nagpapanatili ng maayos na marka habang balanseng isinasakatuparan ang pagpapamalas ng kaniyang talento.
Si Kels ay kasalakuyang isang Grade 12 Arts & Design Track student na may husay sa larangan ng pagsayaw at nakatalaga bilang MAKEUP ARTIST at PERFORMER sa darating na "DURUNGAWAN: Mga Sining sa Likod ng Pangarap 2025” 🌟🌙, ang pangwakas na gawain at pagtatanghal ng Grade 12 Arts & Design Track.
Ginamit niya ang kaniyang pundasyon upang suportahan at ipahayag ang kapayapaan sa isipan ng kaniyang komunidad bilang isang estudyanteng artista na sumusuporta sa tiwala na ipakita ang tunay na sarili. Ayon kay Kels, "Maaari kong ipahayag ang inspirasyong ito sa pamamagitan ng sining sa mas malawak na madla—hindi lamang sa aking agarang kapaligiran kundi pati na rin sa likas na mundo kung saan ang kalayaan ay sining."